• Credit Union Apex Endorses Kaya Payment Platform

        Credit unions empower and improve communities. According to the ICA, the cooperative identity is “based on the values of self-help, self-responsibility, democracy, equality, equity and solidarity. In the tradition of their founders, co-operative members believe in the ethical Read More
  • CDA Releases More Detailed Social Audit Tool

    The Cooperative Development Authority (CDA) has released its first Memorandum Circular for the year: “The Revised Guidelines on Social Audit of Cooperatives.”   Social Audit is designed by the CDA as “the process whereby a cooperative can account for its Read More
  • CA says CISA Constitutional

    THE Court of Appeals (CA) has denied the motion for reconsideration filed by the Baguio-Benguet Community Credit Cooperative (BBCCC) against the Credit Information Corp. (CIC), and upheld the constitutionality of the inclusion of cooperatives in submitting credit data of their Read More
  • Aflatoun Boosts Financial Literacy of Teachers

    CLARK, PAMPANGA  – It’s not only the youth who benefit from NATCCO’s flagship youth program , Aflatoun, but teachers as well.  This has been the observation of Lasalette Gumban, NATCCO Youth Program Coordinator.      Ms. Gumban spoke before participants at the Read More
  • Alex Raquepo: Ilocos Region's Co-op Man

    Rare are those who have been steeped in cooperative principles in their youth and continue to do so decades later.  Alexander B. Raquepo is among that rare breed.   Alex hails from Sta. Cruz, Ilocos Sur and is the eledest Read More
  • COOP-NATCCO Partylist Thumbs Down Divorce Bill

    QUEZON CITY --  After consultations with co-op leaders, Coop-NATCCO Partylist Representatives Anthony M. Bravo and Sabiniano Canama voted against the Divorce Bill.   After quoting the Bible on social media, Rep. Bravo said: “Bilang isang Kristiyano, ito ang aking personal Read More
  • Millennials Own Stage at Co-op Leaders Congress

    CAGAYAN DE ORO CITY – In Filipino culture, young people are told to listen to their elders.  But at the recent 16th Co-op Leaders Congress held at the Limketkai Luxe Hotel, it was the other way around.     Millennials comprised most Read More
  • 3rd Tagum Youth Camp Fosters Bonds & Learning

    TAGUM CITY -- Seventy-eight teen-aged strangers turned friends as they participated in Tagum Coop’s Youth Laboratory 3rd Summer Youth Camp last May 4-5, 2018 at the Energy Park. The two-day-one-night camp had the theme “Bring the Change! Be the Youth Leader Read More
  • GA Pushes Integration, Technology, Youth, Enterprise

    CAGAYAN DE ORO – The NATCCO Network ended the 41st General Assembly and Leaders’ Congress on a high note, as the leadership of one of the largest co-op federations in the country pushed for integration, the use of technology to improve Read More
  • Guideco Becomes Town Center thru Pinoy Coop ATM

    Guimbal, ILOILO -- This quaint town is a coastal fourth class municipality of 33,820 people.    Its 9 kilometers of scenic shoreline has attracted tourists, an industry that supplements its citizens’ agricultural livelihood.   In April 1993, the Southern Iloilo Development Read More
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10

Ang Hindi Nauulingan

May kasabihan na: “Walang humahawak ng palayok na hindi naulingan.”  Dumating ang panahon na ginamit ito patungkol sa mga taong may kinalaman sa mga usaping salapi.  Tanggap ng marami na kapag pera ang pinag-uusapan, halos lahat na lang ata ay nauulingan o nadudungisan dala ng tukso ng yaman at karangyaan.
 
Isa ito sa mga hamon na hinarap ni Ka Hermie Hernandez mula pa noong nagsimula siya sa San Dionisio Credit Cooperative noong 1961 sa Paranaque.  
 
Marami sa Paranaque noon ay baon sa utang dahil sa mga “five-six.”  Ang malungkot rito ay ang katotohanang kapwa Pilipino ang mapaniil.
 
Karanasan ng  mangungutang na tubo o interes pa lang ang nababayaran kahit ilang taon na niyang binubuno ang pambayad.  At itatanong sa sarili: “Kailan ito matatapos?”
 
Ka Hermie
 
Tinatag ng ilang nakatatandang mamamayang naggagabay  ang San Dionisio Rover Scouts at Good Government League. Dito nakilala ni Ka Hermie si Dr. Angel Mendoza, ang tinyente del barrio at namumuno sa GGL.  Si Mendoza ang gumabay kay Ka Hermie sa idealism at paglingkod sa kapwa.
 
Ginunita niya pagkakataong may pasyente ang doctor, at pagkatapos resiahan n gamut para sa kanyang karamdaman ay bumalik ito pagkaraan ng dalawang araw.  Walang nagbago sa kalagayan sa kadahilanang wala siyang pambili ng gamut.  “Kita ni Dr. Mendoza na may social dimension ang issue,” sabi ni Ka Hermie.
 
Marami sa mga tao sa kanilang baryo ang kumakapit sa patalim.
 
Napag-alaman ito ng isang paring Heswita, si Fr. Walter Hogan, na siya namang nagmungkahi na magtayo ng isa kooperatiba.  
Mahirap ang unang taon.  Gabi-gabi ang pulong nila para maitatag ito ng maayos.  Marami ang nagduda na magtatagumpay ang kooperatiba – kasama na ang Cooperative Administration Office.  Sabi nila na kung magpapa-utang ay hindi na makakasingil.  Tinuring na lamang itong isang hamon, at nag-ambagan sila para sa panimulang capital na P380 para sa San Dionisio Credit Cooperative noong 1961.
 
Susi sa Tagumpay
Ayon kay Ka Hermie, “Susi sa tagumpay ang transparency, honesty and frugality observed to the letter.”  Si Ka Hermie ang unang Ingat-yaman ng SDCC.  Nasubukan ang kanyang idealismo.  Sa SDCC, isa lang ang libro at bukas ito sa lahat.  Malinaw sa lahat na ang mga miyembro ang tunay na may-ari, at may karapatang silipin ang katayuang pinansyal.
 
Noong nagtatrabaho si Ka Hermie sa isang kumpanya, naranasan niyang sumagot sa kawani ng BIR ng hindi makatotohanan.  Ngunit sabi niya: “Hindi ako masaya sa ganoon.”
 
Tamang-tama inalok siya ng SDCC ng posisyon bilang Tagapamahala.  Masmaliit ang sahod, at may mga anak na siya noon ng pamunuan ng SDCC na doon na mismo sa SDCC magtrabaho.  May mga bumubulong na kailangan niyang isipin ang kapakanan ng kanyang pamilya lalo pa’t maliliit pa ang mga anak niya noon. Sabi pa ng iba: “Ano baa ng mapapala mo diyan?  Meeting kayo ng meeting, suweldo mo naman hindi gaano!”
 
“Wala kaming allowance, walang suweldo during the formative years dahil volunteer lahat.  Meron kaming “psychic income” o kasiyahang ginagawa mo ay nagbubunga ng mabuti sa kapwa.  That is something money can’t buy!” ayon kay Ka Hermie.
“Hindi ko yon naging problema, tinanggap ko yon. Ang kaligayahan ko sa co-op, dito kung ano ang nangyayari, yon ang isinusulat lalo pa sa pinansiya. Walang tinatago!”
 
“Dati, maramdamin ako.  Pag ako pinupuna, sumasama ang loob ko. Nagbago yan as the years went by.  Paglipas, iniisip ko na ang mga puna ay para sa pag-unlad ng kooperatiba.
 
Full-time manager si Ka Hermie mula 1972 hanggang 2000. Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga empleyado ngayon dahil alam nilang ang pinakamalaking kontribusyon niya ang kanyang sakripisyo.  “Naniwala akong sa co-op ako magiging masaya at makapaglilingkod sa kapwa.  Dito ko pinatunayan na kapag ako’y humawak ng palayok, matitiyak ko na di ako mauulingan.  Hindi mawawala ang pera!” aniya.
 
Ayon pa kay Ka Hermie, ang tunay na sukat ng tagumpay ng kooperatiba ay nasa uri ng mga miyembro.  Layunin ng kooperatiba ang Total Human Development – economic development ng miyembro, social development ng miyembro, political development ng miyembro, cultural development ng miyembro, as spiritual development ng miyembro.
 
Ang ko-op ay parang puno.  “Ako’y kasama sa pagtanim ng puno, at ngayon kasama ako sa pagdilig nito.  Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong sakripisyo sa kooperatiba!” dagdag pa niya.
 
Bumbalik siya sa mga pangunahing dahilan kung bakit may kooperatiba: “Dapat matiyak ng kooperatiba na ang  mga miyembro ay kakain tatlong beses isang araw.  Dapat din lahat ng miyembro ay nagtutulungan.  Dito natin aalisin ang crab mentality na kapag may umangat, hahatakin mo pababa.  Dapat baliktad.  Pag umaangat ang isang miyembro, katungkulan niyang hatakin ang kanyang kapwa miyembro pataas at tumulong siyang iangat ang komunidad.”
 
Mahirap talagang balansehin ang economic at social na mga tungkulin ng kooperatiba.
 
Dahilan sa kanyang pambihirang dedikasyon, siya’s binansagan ng CDA “Cooperative Legend” at “Outstanding Cooperative Leader” noong 2011.
 
Ang SDCC din ang tumulong sa paglago ng National Confederation of Cooperatives (NATCCO) nang ibigay nito ng libre sa upa ang una nitong tanggapan sa Paranaque noong 1977.  Paliwanag ni Ka Hermie: “Dapat tumulong sa kapwa co-op kung kakayanin din naman, alinsunod sa Co-op Principle No. 6 na “Cooperation Among Cooperatives.” 
 
Bunga nito ay ang pag-unlad ng SDCC dahil sa pagsasanay na dulot ng NATCCO.  SDCC ang naging halimbawa o modelo sa mga grupong nais magtatag ng co-op.
 
Ang artikulong ito ay sinulat ni Roderick Lirios, hango sa aklat na “Higit Pa: Reaching Beyond What we Aimed For” na nilimbag ng Caucus on Development NGO Networks.
 

Do you have exciting events in your coop? Share it with us, and we'll feature it in our website!

Email us:
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Mail your Documents to:
NATCCO Network
c/o Member Relations and Networking Group
227 J.P. Rizal Street Proj.4 Quezon City 1109

For more Information:
913.70.11-15 loc.310
912.54.10 (telefax)